Better late than never.
Nagbablog-hopping ako nang mapansin ko na lahat halos ng bloggers na grumadweyt nung March ay nagsulat tungkol sa graduation nila.
Nainggit ako bigla kaya naisip kong magsulat din tungkol sa aking Commencement Exercises. Aba grumadweyt din yata ako. Akala nila sila lang?!?
Karamihan ng posts na nabasa ko ay Tagalog, kaya ako’y naengganyong gamitin din ang makapukaw-kaluluwang wikang ito. (Nahihirapan na rin ako sa pagpanggap na ingglesero.)
Pero ano nga ba ang pwede kong isulat? Di ko naman maramdamang grumadweyt na ako. Bumabalik-balik pa kasi ako sa skul para gumawa ng yearbook. At saka sinong mag-aakalang gagradweyt pa ako? Ako nga mismo medyo nawalan na ng pag-asa at tiwala…
Dapat yata simulan ko na ang pagkumbinse sa sarili ko na talagang grumadweyt na ako. 1, 2, 3…Gradweyt ka na! Pagkatapos mong dumaan sa apat na kurso, tatlong eskwelahan, at pitong taon sa college, may Bachelor’s Degree ka na! Gradweyt ka na!!!!!!!!!!
Rolly da Pogi, pwede nang mag-smile ang parents mo! Pwede ka nang mag-asawa! Pwede ka nang mamatay! Pwede ka nang mag-artista! Sa wakas, gradweyt ka na!
Okay. Kulang pa rin. Tingin ko kelangan talaga nito bottomless tunggaan, yung gagapang talaga ako pauwi at manunumpang di na iinom uli. Pero saka na yun. Ikukwento ko muna ano’ng nangyari sa graduation ceremony.
Ano nga ba'ng nangyari? Tanungin nyo na lang si Mark. Di ko kasi masyadong napansin, usap ng usap kasi kami ni Edward, ang bise presidente ng graduating class. Magkatabi kami kasi ako ang president (o diba, maraming naniwala na matino akong tao).
Sa unahan nakaupo ang batch officers, kasunod ng Graduate School graduates at Awardees. Sa aking kanan nakaupo si Ryan, ang presidente ng Supreme Student Government (bigatin!), may award kasi siya. Sabi ko sa kanya, “Who would have thought Ryan we’re going to be batchmates.” Schoolmates kasi kami nung hayskul, pareho kaming honor students, mas nauna ako sa kanya ng dalawang taon, at Engineering ang kinuha niya sa college. (Gets mo na kung bakit ko nasabi yun?)
Si Edward naman ay hindi ko talaga masyadong kilala. Isang taon na kami parehong naninilbihan (ulk) bilang opisyales ng Class of 2008 pero nung final rehearsal at graduation day lang kami nagkakwentuhan ng mahigit sampung segundo. May asawa na kasi siya’t anak kaya nagmamadali siya palagi’t magsasaing pa siya (joke lang).
Mahirap kausap si Edward. Ang ibig kong sabihin, nahihirapan ako pag kausap ko siya. Siya’y kalahating-amerikano, ibig sabihin, nag-iingles at magkasing-tangkad lang kami kung nakatayo ako’t nakaupo siya.
Hindi naman pwedeng nakatayo ako habang kumukuha yung iba ng diploma kaya habang nagkukwento ang katabi ko, ako’y nakatingala—at maya’t maya’y pinupunasan ang mapula, malapot at mainit na likidong umaagos sa aking ilong.
Nag-usap kami tungkol sa stock market at quantum theory. Joke lang. Nag-usap kami tungkol sa Diyos, relihiyon at iilan pang bagay na may kabuluhan din naman kahit papano.
Nalaman ko na naging Hare Krishna monk pala siya ng walong taon. Nag-compare notes din kami kung ilang taon na kaming di nagpi-pray. Ooops, masyado na yata akong maraming sinasabi.
Basta, di ko alam kung matutuwa, maiiyak, magagalit o makokornihan ako habang humahaba ang kwentuhan namin. Naisip ko, buti na lang pala at president at vice president kami, hindi valedictorian at salutatorian, walang pressure masyado na maging true-blue Notre Dameans.
Pero mabubuti naman kaming tao (promise!). Bumalik na pala sa Amerika si Edward, tumutulong sa mga kabataang naligaw ng landas, sa pamamagitan ng backpacking sa wilderness! Naiinggit nga ako sa kanya (pasensya, sa inggitero talaga ako eh). Siya talaga ang Bohemian. Ako trying-hard lang.
Ba’t nga ba tayo napunta sa buhay ni Edward. Tungkol dapat ‘to sa graduation ko at blog ko ‘to.
Nagtext pala yung nanay ko habang tumatakbo ang seremonya. Napaluha daw siya, sabay tanong kung saan ako nakaupo. Di ko alam kung tears of joy ba yun dahil nakatapos din ang anak niyang nasobrahan ng bait o dahil di niya matukoy alin sa 1000 naka-togang itim ang anak niya.
Mabalik nga tayo kay Edward. Nung bigayan na ng nilukot na bond paper na may asul na laso, tinuro niya sa akin ang maganda niyang pinsan na ka-batch namin at nagtapos ng Nursing.
“She’s beautiful,” sabi ko.
Sagot niya, “She thinks you’re beautiful, too.”
Paano kaya kung maging magpinsan kami ni Edward?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


12 comments:
Abangan.... hahahahaha,,,,
In recent memory, the only times I wrote in Tagalog were during 1st year and 4th year Intramurals at NDMU.
I never won first place.
na-aliw tlaga ako sa post mo. :)
To Aethen: Nakakahawa kasi yung witty Tagalog blogs na naka-link sa blog mo.
To Marlon: Mangutana pa unta ko'g dugang info about sa pinsan niya. Naulaw man gud ko. Muingon pa lang siya feeling gwapo kaayo ko. hehe
wa ko kasabot kuya jude..?? pinsan ni edward..???
Marlon, figure it out...
Bro, just dropping by.
Anyway, you do not know who I am.
I just came accross your pane coz I was surfing for some nice blogs in the net. yours is one.
Marlon, as mentioned in your article, was a stud of mine in high school.
just crossing my fingers for more articles (worthy to read) to be posted in your pane.
God Speed!
_madi
yong blog ba ni kingdaddyrich?
Blacksimon, thanks for the kind words!
That stone formation at Malapatan's really one of a kind.
Yeah, I think Marlon told me something about you once.
Aethen, can't really remember. I think, it's one of them. There were two or three of those blogs. :-)
Bro,
sukran for including me in your blog links.
More power!
-Madi
Post a Comment